Paring Pugot (beheaded Priest)



Itong susunod na kwentong ito ay ang pinaka-nakakatakot na naranasan ko sa buhay ko. Nangyari ito sa mga taon ng aking Kolehiyo. Kasama ko ang Pamilya at Kaibigan ko sa bakasyon. Ang Nanay ko at ang Ate ko ay kasama ang ma matatanda ng pumuta sila sa probinsya para magbakasyon. We would meet them half way to our grand parent’s house the next morning where we planned to visit the old folks.

Within the confines of my room, surrounded by religious icons, I felt safe. Nasa kwarto ako kasi ang mga Kaibigan ko ay nag-eenjoy sa Preskong hangin sa labas. Nakatayo sa taas ng bundok tumitingin sa gabing puno ng bituin ay tunay nakakalulo sayang lang kasi pagod ako at mas pinili kong magpahinga sa loob.

Nakaupo sa kama, ine-enjoy magbasa ng libro para kahit papano makalimutan ko ang mga problema sa school. Simula na ng makaramdam ako ng presensya papunta sa kwarto.

Hindi ko masabi kung ang nararamdaman kong enerhiya ay buhay o hindi. Sa umpisa pinabayaan ko lang ito at itinuloy ang pagbabasa ko ng libo. pagkatapos ng ilang minuto, nakarinig ako ng tumatawag sakin. It sounded like a soft caring voice. Pamilyar ang boses na ito sakin, kaso hindi ko malaman kung sino talaga ito. Alam ko na hindi talaga ito normal, tumatagos ang tunog ng boses niya sa bawat sulok ng kwarto. Naka-amoy din ako ng Sulfur sa hangin.

Kahit na mala-anghel ang boses, Naka-amoy ako ng sobrang malisyosong bagay. Nanginig ako at bumilis ang tibog ng puso ko. Naramdaman ko ang temperature ng kwarto bumababa ng bumababa. At may nagsabi “Kilala kita”. pagkatapos, sa garagal na boses sinabi nito ang apilyedo ko.

Ng marinig ko to, Nahulog ang librong binabasa ko. Pinikit ko ang mata ko, pinipilit kong kalimutan kung ano talaga ang nangyayari sakin. Inuulit-ulit kong sabihin sa aking isip ang katagang “As I walk to the valley in the shadow of death I shall fear no evil for thy rod thy staff they comfort me”.

Inuulit ko ito ng ilang minuto ng nakikinig lang sa aking boses at kinalimutan ko ang ibang bagay maliban doon. Sa hindi malaman na dahilan, umiinit ng umiinit ang katawan ko. Nararamdaman ko na ang kamay ko ay nasusunog at may tumutunog sa tenga ko. Gumaan ang ulo ko at unti-unting lumalabo ang paningin ko. Nawala ako sa sarili ko at nanghina ako. Hindi ko na alam kahit ano ang taas at baba.

Naririnig ko itong tumatawa kaso nung tumagal parang unti-unting tumutunog sadista ito. Tunog halong babae at lalaki ito. Hindi ko ito mai-kumpara pero alam ko hindi ito multo. Sinubukan kong itanong anong kailangan nito pero ang malisyoso at makamatay na pakiramdam ay yun ang nangingibabaw. Nanigas ako sa takot.

Desperado akong subukan na alisin ang takot. Alam kong kapag hindi ko makontrol ang aking emosyon MAMAMATAY AKO SA KWARTONG TO. Ang palaisipang bumabanaig sa aking isip na bumabagabag sa aking konsentrasyon ay siyang natitira. Yun na lang ang pinanghahawakan ko. Naalala ko kung gaano ako ka-desperado nung gabing yun.

At dun nagsimula ang makulit na imahinasyon ko tungkol sa katatakutan. Tortures, murder, pagan worship, lahat ng ito ay nasa isip ko. Sinubukan kong alisin ito sa pag-iisip ng bagay. Naririnig ko ang paghalakhak at pagtawa nito.

Nakahiga ako sa kama ng parang walang pakiramdam. Alam ko na hindi ko ito mabubuwag kung pinanghahawakan ko ang takot ko na gawin ang alam kong dapat gawin. Alam ko na kailangan ko ng tulong ng Diyos.

Sa aking huling enerhiya at tapang, nagawa kong kunin ang Rosaryo sa bulsa ko at nagdasal. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Ang kamay ko ay sobrang namamanhid na hindi ko maramdaman na hawak ko ang rosaryo. Nararamdaman ko na palipat-lipat ito ng likasyon. Ang bilis nito at hindi ko makuha ang tunay na lokasyon nito.

Nagdasal ako ng AMA NAMIN habang hinihigpitan ko ang hawak ko sa rosaryo. sa ilang sandali hindi ko siya naramdaman. Lumalakas nga ang boses ko subalit parang sumasabay lang ito sakin. It sounded like this entity is right near my ear whispering. Nakidasal ito sakin. Dahan-dahan kong pinalitan ang dasal ko sa Latin ng sandali ay sinabi kong PATER NOSTER - Our Lord’s Prayer in Latin. Tinuro ito sakin ng Lolo ko nung bata pa ako

Nung oras na ito naalala ko ang payo ng Pari na kaibigan ng Nanay ko. Sinabi niya sakin kapag nagkaroon ako ng problema na nasusubukan ang aking pananalig, isipin na nag-sakripisyo si Hesus para sa ating lahat. Na tiniis niya ang torture at pagpapako sa krus para maligtas ang kaluluwa natin. Na hindi niya tayo pababayaan na sa panahong lubos natin siyang kailangan.

Sa ilang saglit pinalitan ko naman ang dasal ko na Apostles Creed. Ito ang dasal na sinusubukan ang pananalig mo sa diyos. Buong puso akong nanalangin. Gusto kong malaman nito na kung saan ako matapat. Nanahimik ito. Naramdaman ko ang presensya nito na patuloy ng humihina. Unti-unti nang nawawala ang takot sakin. Dahan-dahan akong tumayo. Ramdam kong nanginginig ang Kamay at Tuhod ko. Dahan-dahan at sigurado kong binalik ang aking lakas. During this time I could sense the entity moving wildly in the room.

Pinabayaan ko itong humalakhak, ang tunog na ito ay nawalang bigla. Ang boses na yun ay nawala na sa wakas. Hindi ko na naramdaman ang mala-demonyong, malisyoso at makamatay na hamog na pinalibutan ang buong gabi ko. Nang oras na yun naramdaman kong tumutulo ang dugo ko galing sa aking kaliwang kamay. Hinawakan ko ng mahigpit at hindi ko naramdaman na bumaon na para ito sa aking palad.

Pumunta ako sa banyo para lagyan ng lunas ang sugat ko. Nakatingin ako sa salamin at napansin ko na parang may katabi akong itim na hugis tao. Ang pakiramdam ito ay laging naiisip ko sa mga oras na may naiisip akong nakakatakot. Sa kalmadong boses sinabi ko sa sarili ko na ayos lang ako at pinagpatuloy ko ang paglagay ko ng lunas sa sugat ko.

Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari, may narinig akong sigaw galing sa labas. Sigaw ng aking mga kaibigan at pinsan. Kinakabahan sila ng sinabi sakin na may nangyari sa kanilang nakakatakot. Isa sa mga kaibigan ko na may sugat. Tinanong nila sakin kung anung nangyari sakin at nagpalusot ako na nahiwa ko ang sarili ko ng binubuksan ko ang bote ng beer.

Napaupo sila at kinwento nila yung nangyari sa kanila nung nagsasaya sila, ng napagdesisyunan ng isa sa kanila na maglaro ng Oujia Board na ibang bersyon ng Spirit of the Glass. Alam ng isang kaibigan ko ang pang-umpisang ritwal kaya madali lang sa kanila at mabilis lang ang pag-umpisa.

Nakilala ko ito as CAleb. Sa umpisa ayos lang si CALEB. Nawala sa sarili si Caleb at nagsalita ng kung ano-ano. Ang kaibigan ko na gagawa ng pang-tapos na ritwal, sadyang malakas si Caleb. Nabasag ang baso at ang mga bubog nito ang nakapag-sugat sa isa kong kaibigan.

Sumisigaw sila ng kumuha sila ng Upuan para ihampas sa pinyo. Sinubukan nilang lumabas pero hindi nila magawa. Lahat ay biglang natahimik at nakalma. Pagkatapos ng saktong 45 minuto nakalabas na sila sa takot. Hindi na kailangang sabihin, nakatulog lang sila sa mga Upuan.

Ito na ang kakaibang bagay. Nang may nangyayari sakin, meron din palang nangyayari dun sa mga pinsan at kaibigan ko. Ang kaibigan ko na pasimuno ng Spirit of the Glass sinabi niya sakin na pagkatapos ng panimulang ritwal nag-amoy Sulfur daw dun. Ang amoy na kumalat sa kanilang experience habang may tumatawa at Naghahampas ng mga upuan..

Sinabi namin ito sa ibang mga kamag-anak namin, ngunit wala daw silang narinig na mga upuan na hinahampas sa ding-ding. Pero, pumunta kami sa kwartong yun na kung saan bakas parin ang nangyari sa gabing iyon. Ang kwartong iyon ay sobrang magulo at ang isang upuan pa ay putol. Ang tiya ko ay daling tumawag ng Pari para dasalan ang kwarto.

Ngayong araw, meron paring mga tanong na bumabagabag sakin. Paano yun? Paano akong nasama dun sa ginawa nilang ritwal? Paano niya akong inatake ng mag-isa? Paano nito nalaman ang Apilyedo ko?

No comments:

Post a Comment