Love? ano nga ba ang definition nito? Marami sa atin ang may kanya kanyang pakahulugan sa salitang ito…Kung titignan ntin sa dictionary ang meaning ng love ay "A deep, tender, ineffable feeling of affection and solicitude toward a person, such as that arising from kinship, recognition of attractive qualities, or a sense of underlying oneness"…pero tayo ano ba ang definition natin ng love? Ito ay isang malalim na salita na mahirap bigyan ng kahulugan, pero sa iba mababaw lang ang pakahulugan nila sa salitang ito…Bawat tao ay may kanya kanya rin pagpapakita ng pagmamahal sa taong mahal nila…pano mo ito mapapakita sa kanya? Pano nga ba mapaparamdam sa taong yun na mahal natin sila? Minsan kasi kahit pinapakita, sinasabi o pinaparamdam na natin sa taong mahal natin na mahal natin sila parang kulang pa din sa kanila hindi parin nila maramdaman ang bagay na gusto nating iparating sa kanila…Siguro nga alam lang nila sa salita pero hindi nila alam ang pakiramdam nito, syempre malalaman mo lang ang isang bagay kapag naramdaman mo na ito, kapag nasaktan kana, pero kahit anong gawin mo sa taong mahal mo, maipakita mo man ng maayos ang pagmamahal mo sa kanya o hindi…yung tao pa rin na yun ang magdedesisyon para sa sarili nya kung ano gusto nya, ang mahalaga napakita natin sa kanya at naparamdam na importante sila….
Image003 Marami ang lumuluha sa pag-ibig o pwede din nating sabihin na consequences ng pagmamahal…Kapag nagmamahal ka dapat handa ka rin na masaktan? Bakit ko ito nasabi? Dahil ganun talaga, hindi sa lahat ng bagay smooth flowing ang isang relasyon, maraming pagsubok na dadating, mga bagay na di natin kapang ipredict na dadating…Sino ba tayo para magbigay ng sumbat o maling pagkokomento sa mga taong may mga maling nagagawa bunga ng pag-ibig…wala tayong karapatan na manumbat sa kapwa natin walang taong perpekto…Hindi kasi natin maiintindihan hanggang hindi tayo nalalagay sa ganung sitwasyon…"Learning from your own experience" ika nga…..sobrang mahiwaga talaga ng pag-ibig…mahirap isipin kung tutuusin, kailangan ng malawak na pang-unawa sa bagay na ito….Hindi simple lang ito, ito ay bagay na malalim at puno ng misteryo sabi pa nga ng iba "Love is like a rosary that full of mystery" totoo di ba? Kung hindi kapa nakakaranas magmahal marahil hindi mo maiintindihan ang bagay na sinasabi ko pero darating ang araw na mauunawaan nyo rin ito…kapag mas naging bukas na ang inyong isip sa pang-unawa sa mga bagay na mahirap bigyan ng kahulugan. Wag basta humusga sa kapwa…
M Pano nga ba makakalimutan ang taong naging parte ng buhay natin….mahirap itong kalimutan pero hindi ibig sabihin na di natin sila kayang palayain…Kung kinakailangan at alam natin na mas makakabuti iyon sa kanya marahil magagawa natin iyon at kung saan ba magiging masaya ang taong yun, kahit ang dulot nito sa atin ay matinding sakit at malaking sugat sa puso, sugat na di na maghihilom pa…alam natin sa sarili natin kung malalim ba o mababaw ang sugat na iyon…Patuloy ang buhay kahit may pilat ang puso, pero patuloy na aasa na balang araw ay mas malaman pa ang kahulugan kung bakit nangyari iyon sa ating buhay…Bawat pagsubok na dumadating sa ating buhay ang syang nagpapatatag satin…bawat luhang papatak ay luha ng pagmamahal at pag-asa dahil habang may hininga kailangang mabuhay at kailangan din magmahal…Ginagawa natin ito para sa sarili natin kasi sa pagmamahal lang tao mas nagkakaroon ng pag-asa at lakas ng loob…
SmileyspoonSa iba naman dahil sa pagmamahal nagkakaroon ng katuparan ang pagmamahalan ng isang tao kapag pinagbuklod na silang dalawa….Buklod na hindi lamang simbahan at mga tao ang saksi kundi alam nila sa sarili nila na mahal nila ang kasama nila…..may mga tao na saksi lamang ang simbahan at mga tao pero sa loob ng puso nila iba ang tinitibok nito…wala na lamang magawa kundi sumunod sa agos ng buhay nagbabakasakali na baka tama nga ang kanilang naging desisyon…..sino nga ba ang nakakaalam? Ang tanging makakaalam lamang nito ay ang mismong tao na nakakaramdam. Sinusubukang magpakabuti sa kabiyak ngunit lumilingon pabalik ang puso…
Pic25547 Sadyang maikli lamang ang buhay ng tao kya hanggang nandito pa sa mundo ang taong mahal natin, ipakita o iparamdam na natin sa taong mahal natin na mahal natin sila kasi kapag nawala na sila sa mundong ito at saka pa lamang natin marealize na mahal natin sila, magsisisi tayo na sana pinaramdam natin nung buhay pa sila na importante sila sa buhay natin, na espesyal sila…
Aa Kapag bata kapa madalas nagmamadali sa bagay na di napagiisipan ng maiigi, desisyon na maaring mali o maaari din na tama…..Pag-ibig na bubot o hilaw pa….pero pag bata pa tayo di natin ito naiintindihan…Marami ang may mga bagay na gusto pa sanang gawin sa buhay nila pero wala na magawa dahil sa desisyon na nagawa, yung iba marahil ay di masaya sa bagay na iyon pero sa iba naging masaya din naman sila kahit papano….Dahil kesyo mabait naman ang kapartner nila…..At may iba pang reason na tanging sila lamang ang nakakaalam…Pero meron din naman na naggrow ang pagmamahal kahit nagsimula sa batang pag-ibig…Pero dahil may kanya kanyang buhay o destiny ang isang tao, di lahat ng tao ay parehas ang maaaring maging takbo ng buhay…maaring maganda maari din na hindi…
JKailangang ipaglaban ang pagmamahal kasi mas lubos lang ang kasiyahan mo kapag alam mo na yung kasama mo ay ang taong mahal mo pero sadyang marupok ang tao…madaling sumuko…kung sino lamang ang malapit yun nalang ang binibigyan ng pagtatangi…sabagay marahil ay tama sila dun…Mahirap magbigay ng komento sa bagay na iyan…Siguro kailangan nalang na intindihin dahil di natin hawak ang kapalaran…Pabago bago ang buhay…walang permanente, minsan akala natin matatag na tayo pero kahit sa haba ng panahon dadating pala ang dagok ng buhay, pagibig na puno ng saya at ligaya sa una pero sa huli pala ay maglalahong parang bula. Kung gano kabilis dumating ito ay gnun din kabilis na mawawala…parang kailan lang ngsusumpaan pa kayo na hanggang wakas ay walang iwanan pero mayamaya lang pala ay iba na ang sinasabi nya, na nagbago na sya, kailangan nya magmove on, wala tayong magawa kundi irespeto ang desisyon nila kasi tama naman ang reason nila, may point sila sa bagay na gusto nilang mangyari…
R Sadyang mahiwaga ang pag-ibig kaya magpasalamat tayo kapag ito ay dumaan sa ating buhay dahil naranasan natin magmahal at mahalin…Sinasabing minsan lang sa buhay natin dadaan ang isang wagas na pag-ibig…Maraming tanong sa ating isipan tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa puso…ngunit wala tayong makuhang kasagutan…pero alam natin sa puso natin na mahal natin sila…na sinusubukan nating gawin ang bagay na alam nating magpapaligaya sa kanila…
W Ang greater love na tinatawag ay ang pagbibigay ng pagmamahal sa kapwa ng walang hinihinging kapalit,tinatawag na unconditional love…Mahirap gawin di ba? Iisipin ng marami na nagpapakatanga ka pero di kasi nila maintindihan ang mga bagay bagay kaya gnun na lang sila mghusga sa kapwa…Masyadong matalim ang kanilang dila sa pagsasalita ng masamang salita para sa kanilang kapwa.
Image001_1 Iiwanan ko kayo ng isang katanungan…para sa inyo ano ba talaga ang pag-ibig o pagmamahal?
No comments:
Post a Comment