Naniniwala ba kayo sa Aswang?

Maraming bagay dito sa mundo ang hindi kapanipaniwala. Maraming bagay ang hindi natin inaasahan.

Mga kababalaghang hindi natin matukoy kung totoo ba o bunga lamang ng ating himahinasyon.

Naniniwala ka ba sa Aswang? Paano kung totoo? Paano kung malaman mong ang taong iniibig mo ay nakatago sa dilim? Ano ang gagawin mo?



Wala lang po natanong lang... para maiba naman ang topic hehehe...

Alam ninyo po nung bata pa ako ay hindi ako naniniwala sa aswang, pero sa mundong ating ginagalawan maraming mga pangyayari na hindi natin maipaliwanag, Maraming mga bagay na nangyayari na kahit sino ay walang makapagbigay liwanag. hayaan ninyo po na i share ko sa inyo ang aking mga karanasan tungkol sa kung may aswang ba talaga.

Isa pong Quack doctor ang aking ama or ang tinatawag na manggagamot sa provinsya sa dinami dami ng ginagamot niya dito ko nakita na totoo pala ang mga ENGKANTO, ASWANG, DUWENDE, KAPRE, MGA MANGKUKULAM, MANANANGGAL, WHITE LADY. Engkanto mga Nilalang na namumuhay sa kabilang daigdig na may kakayahan silang sumapi sa katawan ng isang tao na kung ika'y may kakayanan na makausap sila ay sasabihin nila sa iyo kung anong klaseng nilalang sila at kung saan sila nanggaling.

ASWANG - na may kapit bahay kaming buntis hating gabi na iyun ng may maramdaman akong parang malaking ibon lumilipad at ng silipin ko sa aming bintana ay isang parang napakalaking ibon na lumilipad na parang tao.. at nang kinaumagahan nagkakagulo ang mga kapit bahay namin dahil ang buntis na kapit bahay namin, namatay ang sanggol sa kanyang sinapupunan na sabi ng kanyang asawa ay inaswang.

DUWENDE - Na sa kwento ng aking ama na may mga alaga siyang duwende sa aming punong santol na nung nahulog ako sa napakataas ng punong santol na iyun, ni wala man alang akong pilay or galos at nung nahulog ako at parang binuhat ako na nahulog akong papaupo.

MANGKUKULAM - Mga taong gumagamit ng mga itim na kapangyarihan, na sa pamamagitan ng mga litrato or manika ay may kakayahan silang bigyan ng matinding karamdaman ang sino mang kanilang gustong kulamin. Na may nagamot din ang aking ama na isang kinukulam na bakit nung ipatingin sa doctor ang sanhi ng paglaki ng tiyan noong tao ay walang makitang findings ang doctor na sinabi ng doctor na walang sakit ang tao.

White Lady - na mismong ako ang nakakita isang gabi kabilugan ng buwan sa puno ng aming santol, na parang nakalutang lang siya sa hangin na nakaputi at mahaba ang buhok na hindi ko nakita ang mukha dahil nung nakita ko na nakalutang ay nagtatakbo ako paakyat sa bahay namin noong panahon na iyun ay kabilugan ng buwan, medyo mahangin na may ambon ambon.

At ito pa maniwala kayo sa hindi ako po ay may kaibigang engkanto, ito po ay sumasapi sa isa kong kaibigan na kapag siya'y aking nakakausap kung anong buhay meron sila kinukwento niya na ang parang pamumuhay daw ng isang tao ang kanilang buhay hindi natin sila nakikita pero sila'y nakikihalubilo sa ating mundo.

Opo mahirap paniwalaan ang mga bagay na iyan, pero dapat nating isipin na hindi lang tayong tao ang nilikha ng diyos, marami din naninirahan sa ibang mundo na hindi natin nakikita na dapat nating nirerespeto totoo man sila o hindi.

Kaya para sa akin Totoo na may aswang, engkanto, maligno, duwendo or kahit ano pa yan totoo na nandito sila sa ating mundong ginagalawan na kung may kapangyarihan at kakayahan lang ang lahat ng tao upang sila'y makita at paniwalaan ay makikita sila.

Kung ano man meron sa ating mundo dapat po nating i respeto..InnocentKiss

4 comments:

  1. Hugh...madami din pala ang naniniwLa sa Mga aswang kahit ako.naniniwala ako.sa mga bagay na di natin nakikita at pati na sa aswang.kasi Naka experience din po ako Nyan. Taga maasin Iloilo po ako..Gaya Nyo madami din po akong experience nong NASA probinsya ako...pero NASA sa inyo na rin po Yan Kung naniniwala kayo o Hindi...

    ReplyDelete
  2. NyeeaH ayoko na takot na ko umuwi ng panalian maasin Iloilo ..lots of aswang na ata Jan...jeje

    ReplyDelete
  3. Joke...di ako takot Noh kz Sabi nila pag takot ka lalo kapa lalapitan at tatakutin ng aswang ...my Lola is manggagamot din...naniniwala po talaga ako..kilalang naggagamot..kaso wala na sya pinsan ko ang pumalit sa pag gagamot nya sa Iloilo..

    ReplyDelete
  4. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeesteti─či

    ReplyDelete